Home NATIONWIDE PH climate hub inilunsad bago COP31 sa Türkiye

PH climate hub inilunsad bago COP31 sa Türkiye

5
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Climate Change Commission (CCC) ang Philippine hub para sa 31st United Nations Climate Change Conference o COP31 bilang paghahanda sa pandaigdigang climate summit sa Antalya, Türkiye.

Gaganapin ang COP31 mula Nobyembre 9 hanggang 20, kung saan magtitipon ang mga bansa upang talakayin at isulong ang mga hakbang laban sa climate change.

Ayon sa CCC, magsisilbing espasyo ang Philippine hub upang maipakita ang climate actions, resilience models, policy priorities at mga solusyong isinusulong ng bansa.

Dito rin inaasahang magbabahagi ang Philippine delegation ng mga karanasan, innovation at approaches na maaaring makatulong sa pandaigdigang talakayan tungkol sa climate action.

Kasabay ng paglulunsad ng hub ang pagpapakita ng updated 2026 Nationally Determined Contribution o NDC ng Pilipinas, na siyang climate action commitment ng bansa sa ilalim ng Paris Agreement.

Kinumpirma ng CCC na naisumite ng Pilipinas sa UNFCCC noong Setyembre ang updated NDC o NDC 3.0 bago ang COP31.

Sa updated NDC, muling itinakda ng Pilipinas ang target na 75% reduction sa greenhouse gas emissions.

Sa target na ito, 7% ang unconditional o planong isakatuparan gamit ang sariling resources ng bansa, habang ang natitirang 68% ay nakadepende sa international support.

Kabilang sa mga prayoridad ng NDC ang climate adaptation, resilient infrastructure, ecosystem protection, public health, gender equality at social inclusion.

Kasama rin dito ang just transition, mas malakas na partisipasyon ng local governments at kabataan, nature-based solutions, circular economy at pagtugon sa Sustainable Development Goals.

Sa mga paghahanda para sa COP31, nanawagan din ang Pilipinas para sa mas konkretong implementation ng climate commitments, mas accessible na climate finance at mas matibay na suporta sa mga bansang bulnerable sa epekto ng climate change. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here