Home METRO 19 biktima ng TIP nasagip ng PCG

19 biktima ng TIP nasagip ng PCG

175
0

MANILA, Philippines- Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 19 indibidwal na umano’y biktima ng trafficking in person (TIP) sakay ng isang RoRo vessel sa Port of Bongao,Tawi-Tawi.

Nagsasagawa umano ng roving inspection ang PCG Sea Marshals at napansin ang grupo ng pasahero na nag-uusap tungkol sa kanilang intensyong maglakbay sa Malaysia.

Nakipag-ugnayan ang Coast guard personnel sa Philippine National Police (PNP) Maritime Police Station at nagsagawa ng komprehensibong scanning sa mga pasahero.

Sinamahan ng PNP Maritime Police Station ang mga TIP victims para sa imbestigasyon.

Nagsagawa rin ng profiling at interbyu ang Municipal Inter-Agency Committee Against Trafficking (MIACAT) kung saan umamin ang mga biktima na maglalakbay sila sa Sabah, Malaysia sa pamamagitan ng backdoor upang makapagtrabaho nang walang kaukulang dokumento.

Pinangasiwaan ng MIACAT ang pagbibigay ng tirahan para sa mga sinasabing biktima ng TIP. Nakatanggap din sila ng counseling at stress debriefing.

Pagkatapos, dinala sila sa Ministry of Social Service Development (MSSD) sa Bongao Tawi-Tawi para sa karagdagang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here