Home NATIONWIDE P9M shabu nasamsam sa 4 suspek

P9M shabu nasamsam sa 4 suspek

101
0

ILOILO CITY- Umabot sa P9 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong suspek kabilang ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa bayang ito.

Kinilala ni Police Capt. Ryan Inot , Iloilo City Drug Enforcement Unit (CDEU), ang nadakip na suspek na si alyas Boss Jan-Jan, 30-anyos, na nakuhanan ng P6.8 milyon at sunod namang nadakip ang pinsan nitong si alyas Yder na nahulihan ng P149,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Batay sa report ng ICPO-Police Station 3, bandang alas-4 ng madaling araw noong Oktubre 17, 2024 nadakip ang mag-pinsan.

Ayon naman kay Police Major Shella Mae Sangrines, ICPO information officer, October 18, 2024, nakuha naman sa isang suspek na si alyas Nonoy Bogart ang P442,000 halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng ICPO-Station 10, sa Mandurriao District, ng nasabing lungsod.

Sunod namang nadakip ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station (ICPS) 4 ang suspek na babaeng si alyas Jen, 41, pansamantalang nakatira sa Barangay South Baluarte, Molo District.

Sa isinagawang anti-drug operation sa Barangay South Baluarte, Molo District, nakuha kay Jen ang higit sa 100 gramo ng pinaniniwalaan shabu na aabot sa halagang P680,000.

Umaabot sa kabuuang 1.3 kilo ang nasamsam na shabu sa mga suspek na ngayon ay pawang nahaharap sa kasong Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here