Home METRO 19 karnap na sasakyan narekober ng QCPD

19 karnap na sasakyan narekober ng QCPD

(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Iniharap ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes, Marso 18, ang 19 na carnapped na sasakyan sa media pagkatapos ng flag-raising ceremony sa Camp Karingal.

Sa ulat, narekober ang 12 motor vehicle at pitong motorsiklo na sangkot sa magkakaibang insidente ng carnapping sa lungsod.

Pinaigting ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) sa pangunguna ni Police Major (PMAJ) Hector Ortencio ang kanilang operasyon laban sa mga insidente ng carnapping.

Pinuri ni QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan ang mga pulis sa patuloy na pagsasagawa ng iba’t ibang operasyon para makuha ang mga ninakaw na sasakyan.n na may kaugnayan sa mga insidente ng carnapping,” aniya.

“Ang kanilang mga pagsisikap ay nagresulta sa pagbawi ng mga sasakyan at motorsiklo, na nilalayon naming ibalik sa kanilang mga nararapat na may-ari,” dagdag niya.

Ang mga narekober na sasakyan ay pansamantalang inilagak sa DACU at sa mga sangkot na istasyon ng pulisya. RNT

Previous articleBaguio pinakamayamang syudad sa labas ng NCR sa 2022 – PSA
Next articleKaligtasan ng publiko tiniyak ng PNP ngayong Semana Santa