Home NATIONWIDE Kaligtasan ng publiko tiniyak ng PNP ngayong Semana Santa

Kaligtasan ng publiko tiniyak ng PNP ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines – TINIYAK ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kaligtasan ng publiko ngayon paggunita ng Holy Week.

Ginawa ang paniniyak ni B/Gen. Lex Ephraim Gurat deputy Director for Operation ng NCRPO na nagsabing ang pagpapanatili ng katahimikan ngayong Holy Week ang nais ng PNP.

Sa ginanap na Monday flag raising at awarding ceremony ng mga tauhan ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan ngayon Lunes sinabi ni Gen. Gurat na pangunahing concern ng PNP ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayong Semana Santa.

“Magkaisa tayo sa pagpapanatili ng katahimikan ngayon Holy Week” ayon kay Gen. Gurat.

Kaugnay nito nanawagan ang opisyal ng NCRPO sa publiko na magkaisa para mapanatili ang katahimikan ngayon Holy Week.

” Tinitiyak natin ang kaligtasan ng mga manamayan ngayong Holy Week. Magkaisa tayo para sa pagpapanatili ng katahimikan” ayon pa kay Gurat.

Sinabi pa ng opisyal ng NCRPO na para makamit ang ligtas na kapaligiran ngayon Holy Week dapat makipagtulungan ang mga mamamayan sa atin PNP.

“Para sa ligtas na kapaligiran hinihiling namin ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan ” ani pa ni Gurat.

Nanawagan pa si Gurat sa mga mamamayan na para matiyak ang ligtas na kapaligiran ngayon Semana Santa hiniling nya ang pakikipagtulungan ng mamamayan. Santi Celario

Previous article19 karnap na sasakyan narekober ng QCPD
Next article5 durugista dinamba sa P7.1M tobats