Home NATIONWIDE Pag-isnab ng First Lady kay VP Sara pagprotekta lang kay PBBM –...

Pag-isnab ng First Lady kay VP Sara pagprotekta lang kay PBBM – Rep Marcos

MANILA, Philippines – Dinepensahan ni Ilocos Norte Rep Sandro Marcos si First Lady Liza Araneta-Marcos sa ginawang pag-isnab kay Vice President Sara Duterte sa pagsasabing ginawa lamang ito ng kanyang ina bilang pagprotekta sa kanyang asawa na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

“You know, well, to tell you the truth, ako sanay na ako eh. I’ve been in politics long enough to know that that’s how the game works. And my dad, same thing naman. It’s nothing new. There have always been accusations hurled. There have always been mudslinging. So, that’s nothing new. My mother is not quite as used to it as we are, as the both of us. So, you know, her reaction, from that interview, I think that what you’ve all seen is, I guess, one of a wife who is being protective of her husband. So, I think we can sympathize in that sense,” paliwanag ni Rep Marcos.

Matatandaan na una nang inamin ni Ginang Marcos na kanyang inisnab sa ilang pagkakataon si VP Sara at ito ay dahil sa pagtawag ng huli sa kanyang asawa na “bangag” o drug user.

Sinabi ni Ginang Marcos na bilang Vice President ng bansa at nasa gobyerno ay hindi ito dapat ginagawa ni VP Sara sa kanyang Pangulo.

“I was “always kind” to Sara Duterte. My husband will do everything to protect you. You ran together, ‘di ba, sama-sama tayo babangon muli. Pupunta ka sa rally, tawagan ‘yung presidente mong bangag, ‘di ba? Tama ba yan? Even Leni never did that,” nauna nang pahayag ni Ginang Marcos.

Para kay Ginang Marcos ay bad shot na sa kanya si VP Sara. Gail Mendoza