Home NATIONWIDE PBBM nanawagan ng unity kasabay ng paglagda ng PFP, Lakas-CMD alliance pact

PBBM nanawagan ng unity kasabay ng paglagda ng PFP, Lakas-CMD alliance pact

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa patuloy na pagkakaisa at pakikipagtulungan sa hanay ng mga opisyal ng pamahalaan at ahensiya habang ang kanyang political party, Partido Federal ng Pilipinas (PFP), opisyal na nilagdaan ang alliance pact sa Lakas – Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) para sa May 2025 elections.

Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos, chairperson ng PFP, ang ginawang pagtinta sa alliance pact sa Manila Polo Club sa Makati City, araw ng Miyerkules kasama ang ilang mahahalagang opisyal ng dalawang partido kasama sina House of Representatives Speaker Martin Romualdez, Lakas-CMD president, at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, kasalukuyang Lakas-CMD chairperson emeritus.

Sa kanyang mensahe, binigyang din ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng ‘collective action’ sa pagitan ng Ehekutibo at Lehislaturang sangay ng pamahalaan lalo na ang paglikha at pag-implementa sa ‘transformative programs at policies.’

“We have to position the Philippines in a way that we’ll take advantage of the new economy. And to do that, we have to make some very fundamental and structural policy changes,” ayon sa Pangulo.

“We cannot do those policy changes without the support of the legislation. Legislative support, for any policy, is an absolute necessary. That’s what I talk about when I talk about the all-of-government approach.” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na kailangang manatili ang kapayapaan bilang ‘battle cry’ ng pamahalaan sabay sabing patuloy ang pagtaas ng suporta ng mga mamamayan at partisipasyon sa task na pagbuo ng bansa.

“Hindi ito simula kundi pagpapatuloy ng ating pangako sa taumbayan,” ang winika ng Pangulo, sinabi nito na sa kanilang pagkapanalo matapos ang eleksyon, ipinangako nila na magsisilbi at pagbubutihin ang buhay ng bawat Filipino.

“At sa aking palagay, the unity that we have demonstrated and manifested over the last two years, and even before the campaign and during the elections, has borne fruit.” aniya pa rin.

Ang Lakas-CMD ay itinuturing na prominent fixture sa local political scene, kung saan nakapag-produce ng dalawang Pangulo ng bansa sa katauhan nina Arroyo at Fidel Ramos.

Sa pagkakaroon ng 100 miyembro, ang Lakas-CMD ang itinuturing na pinakamalaking partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Samantala, ang dalawang partido ay bahagi ng UniTeam Coalition noong 2022 elections, kasama ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at ang political party ni Vice President Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Ang Pangulo, sa isinagawang oathtaking ng mga bagong miyembro ng PFP noong nakaraang linggo ay nagpahayag na ang partido ay nakikipag-usap na sa ilang political parties na bumuo ng alyansa para itulak ang agenda na “economic development at people’s welfare’ ng kanyang administrasyon. Kris Jose