Home METRO 5 durugista dinamba sa P7.1M tobats

5 durugista dinamba sa P7.1M tobats

ILOILO CITY – Mahigit P7.1-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng anti-drug unit ng Police Regional Office-6 sa buy-bust operation dito nitong Lunes, Marso 18.

Nakumpiska ng PRO-6 Regional Police Drug Enforcement Unit-6 (RPDEU-6) sa ilalim ni Police Capt Glenn Soliman ang mahigit isang kilo ng shabu mula sa limang drug suspect sa Barangay Tanza Baybay.

Arestado ang mga suspek matapos silang magbenta ng isang sachet ng shabu sa isang police poseur-buyer.

Tatlo sa limang suspek ay kinokonsidera bilang high-value drug personalities – sina Wilmon, Kurt, at Edilberto. Kinilala ang kanilang mga kasama na sina Romulo at Marl.

Ang isa pang suspek ay nagawang makatakas sa mga awtoridad.

Ang operasyon ay suportado ng dalawang unit ng Iloilo City Police Office (ICPO) – ang City Drug Enforcement Unit at Police Station 1. Santi Celario

Previous articleKaligtasan ng publiko tiniyak ng PNP ngayong Semana Santa
Next articleMag-ina pisak sa trak