MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa higit P68 milyon halaga ng ecstasy ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na unang idineklara bilang mga “dog food” na nagmula sa Netherlands.
Ayon sa BOC, sa isinagawang pagsusuri ng X-ray inspection may kkahina-hinalang laman na nakatago sa loob ng isang kahon na naglalaman ng apat na pakete nang dog food. Sa pisikal na pagsusuri, natagpuan ng nakatalagang Customs Examiner ang 13,989.56 gramo, katumbas ng 40,389 tablets ng Methylenedioxymethamphetamine, na kilala bilang Ecstasy na may street value na P68,661,300 milyon.
Nabatid na nasa apat na katao, kabilang ang nagsilbing claimant, ang inaresto dahil sa paglabag sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act, at RA 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
“Aligned with the directives of President Ferdinand Marcos, Jr., the BOC will continue to be vigilant and relentless in preventing the entry of illegal drugs and hazardous substances into the country,” Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes