Home METRO Lalaki na may patong-patong na kaso, natagpuang patay sa Cavite

Lalaki na may patong-patong na kaso, natagpuang patay sa Cavite

MANILA, Philippines – Isang lalaki na dating nakulong na at naharap sa ibat ibang kaso, ang natagpuang patay sa isang compound sa Brgy. Sta Lucia, Dasmarinas City, Cavite.

Base sa report, kinilala ang biktima na si alyas Juancho, dating nakulong at umano’y may ibat ibang kasong kinasasangkutan na ayon sa record ng pulisya.

Sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga nang bumungad sa ang isang bangkay ng lalaki na nakabulagta sa harap ng bahay ng isang residente sa lugar.

Wala namang nakitang sugat o tama ng bala ng baril sa katawan na biktima na pinaniniwalaang may ilang oras na itong patay.

Napag-alaman na dati nang nakulong ang biktima dahil sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at kasong Robbery o pagnanakaw.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigayon para malaman kung ano ang ikinamatay at sino ang nasa likod ng pagpatay sa biktima. Margie Bautista