Home NATIONWIDE 190K healthcare workers kailangan sa healthcare system

190K healthcare workers kailangan sa healthcare system

MANILA, Philippines – Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kabuuang 190,000 healthcare workers ang kailangan upang punan ang healthcare system sa Pilipinas.

Sa Palace briefing, sinabi ni Herbosa na tinalakay niya ito sa sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules, Mayo 22.

“We will need the human resources, so we saw the gap. Prinesent ko sa presidente na we [need to] have about 190,000 to actually fill-in the gaps of our health care system – that’s with the net flow ‘no, iyong mga nag-migrate at iyong mga nag-OFW plus iyong nagga-graduate from our schools,” sabi ni Herbosa.

Sinabi pa ni Herbosa na ang hiring ng medical practitioners ay magpapatuloy ang pagkuha ng mga medical practitioner, at idinagdag na mayroong mga scholarship program para sa mga nais makakuha ng karera sa larangan ng medisina.

“So, tuloy-tuloy na iyong programa na iyan (the program continues) ano because most of them are… have gotten scholarship through the private sector – iyong members ng PSAC, Private Sector Advisory Council for Health and may mga nakapasa na actually eh,” sabi pa ni Herbosa.

Sinabi rin ni Herbosa na tinalakay din nila ang mga reporma na gustong ipatupad ni Marcos sa healthcare system. Jocelyn Tabangcura-Domenden