Home NATIONWIDE Pasahero ng RoRo inaresto sa murder

Pasahero ng RoRo inaresto sa murder

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad sa tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang indibidwal na wanted sa kasong murder habang sakay ng passenger/RoRo vessel sa Zamboanga City.

Ang naarestong indibidwal na si G. Sakib Ganih, ay may outstanding warrant of arrest para sa pagpatay (walang piyansa) na inisyu ni Judge Shene Cañete ng Regional Trial Court (RTC) Ninth Judicial Region Branch 4 sa Parang, Sulu, sa ilalim ng Criminal Case Number 1928- 4.

Ayon sa Coast Guard Sea Marshal Force (CGSMF), nangyari ang operasyon nang makatanggap ng intelligence report ang PCG na si Ganih na residente ng Omar, Sulu ay sakay ng passenger/RoRo vessel na umalis mula Jolo patungong Zamboanga City.

Inaresto ng joint law enforcement ang suspek at ibinyahe sa Zamboanga City Police Office ( ZCPO) Station 11 para sa naangkop na hakbang.

“The successful apprehension underscores the effectiveness of inter-agency cooperation and the commitment of the Coast Guard Sea Marshal Unit (CGSMU) – Southwestern Mindanao (SWM) / BARMM to maintaining safety and security within the region. Additionally, the CGSMF’s commitment to gradually equipping our personnel with proper training and knowledge is beginning to show positive results in the execution of their assigned tasks,” sabi ng puwersa.

Ang CGSMU – SWM / BARMM, Coast Guard Station (CGS) Zamboanga, Coast Guard Intelligence Group (CGIG) – SWM, ZCPO – City Intelligence Unit, Joint Task Force (JTF) – Zamboanga, at ang Zamboanga Port Police Division ay katuwang sa law enforcement operation. Jocelyn Tabangcura-Domenden