Home NATIONWIDE 291 tituladong lupa pagmamay-ari ng drug lord na si Willie Ong –...

291 tituladong lupa pagmamay-ari ng drug lord na si Willie Ong – solon

MANILA, Philippines – Nasa 291 lupain sa Metro Manila at sa Central Luzon ang pagmamay ari ni Willie Ong, ang sinasabing drug lord na nagmamay ari ng warehouse sa Mexico Pampanga kung saan nasabat ang P3.6 billion halaga ng shabu noong nakaraang taon, ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Ayon kay Barbers, ang Empire 999 Realty Corporation ni Ong at ang kanyang mga Chinese associates na sina Aedi Tai Yang, Jack Tai Yang, Mischelle Santos Sy, Elaine Chua at iba pa ay nagawang mairehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) gamit ang pekeng Philippine passports at government-issued identification cards.

“Ong and his associates posed as Filipinos in conducting real estate business in our country and this is not allowed under our laws,” ani Barbers.

Batay sa datos ng Land Registration Authority (LRA), ang Empire 999 ay may 41 titled land holdings; si Ong ay may 59; Aedi Tai Yang, 11; Jack Tai Yang, 15; Mischelle Santos Sy, 53; Elain Chua 92; Albert Valdez Sy, 6; Na Wong, 1; Ana Ong, 5; Cai Quimeng, Chinese name ni Willie Ong na may 6; at James Valdez, 2.

“Marami, 291 lahat and mga pag-aari ni Mr. Ong at ng kanyang mga kasama, at kailangan natin na maipaalam sa publiko na kwestyonable ang mga ito at upang mabigyan din ng proteksyon ang sinuman na kanilang pagbebentahan nito,” ani Barbers.

Sinabi ni Barbers na aatasan nya ang Department of Justice (DOJ) na maghain ng “adverse claim” laban sa mga real estate properties ni Ong at associates nito.

“kailangan din natin malaman kung paano nila binili ang mga properties na ito, gaano kalalaki ang mga ito, binayaran ba nila ang mga ito ng cash, through the banks, o gumamit sila ng laundered money that are proceeds from their drug business or other illegal transactions,” paliwanag ni Barbers.

Ang Empire 999 Realty firm ay may mga lupain umano sa Mexico, San Fernando at Angeles City Pampanga; Nueva Ecija, Cabanatuan City, Aurora Province, Bulacan, Cavite City, Tagaytay City, Iloilo City, Lingayen, Pangasinan, Mandaue City, Lapu-lapu City, Valenzuela City, Quezon City, Rizal, Muntinlupa City, Taguig City, Makati City, Malabon, Paranaque City, Manila City, Davao del Norte, Isulan, Sultan Kudarat at Tabuk, Kalinga, Apayao. Gail Mendoza