Home NATIONWIDE 192K bata nabakunahan na vs measles-rubella sa Negros – DOH

192K bata nabakunahan na vs measles-rubella sa Negros – DOH

1
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nasa 192,708 bata edad anim hanggang 59 months ang nakatanggap na ng supplemental measles-rubella vaccines sa Negros Island Region, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Setyembre 2.

Ayon kay Dr. Deab Eltanal, acting chief ng DOH-NIR Local Health Division, ang bilang ay nagrerepresenta ng 43.9 percent ng target na 437,586 bata sa rehiyon.

Ani Eltanal, ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) na nagsimula noong Agosto 10 ay pinalawig sa buong bansa hanggang Setyembre 4 mula sa orihinal na August 28 deadline para sa mas marami pang bata na mabakunahan.

“We aim to reach a 95 percent immunization accomplishment so we can reach herd immunity against the disease.”

Itinuturo ni Eltanal ang mababang turnout dahil sa misinformation na kumakalat online tungkol sa supplemental immunization program.

Dahil dito ay hinimok niya ang mga lokal na pamahalaan, health center at iba pang stakeholder na tumulong para turuan ang mga magulang at hikayatin ang mga ito na pabakunahan ang mga anak.

“That is why we are asking the local government units, the health centers, and other stakeholders to help convince parents that the vaccines are safe and administering these to their children will give them additional protection from the disease,” sinabi ni Eltanal.

Dagdag pa niya, ang mga LGU na may low vaccination turnout ang isinaprayoridad sa ilalim ng extended “Ligtas Tigdas” campaign, bagamat may mga ilang lugar na nagdesisyong ipagpatuloy pa rin ang immunization drive sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na accomplishment rates.

Sa datos ng DOH-NIR, nakita na ang mga LGU na tinutukan para sa extension ay ang Guihulngan, Siaton, Sta. Catalina, Bais City, Bayawan City, Dumaguete City, Tanjay City, at Sibulan sa Negros Oriental; Enrique Villanueva sa Siquijor; at Kabankalan City sa Negros Occidental.

Bukod sa measles-rubella vaccines, nagbigay din ang mga health worker ng Vitamin A sa mga kwalipikadong bata sa kampanya.

Ani Eltanal, ang DOH ay may sapat na stock ng
supplemental measles-rubella vaccines, na ibinibigay ng libre. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here