Home NATIONWIDE 2.3M estudyante nakinabang sa libreng kolehiyo – CHED

2.3M estudyante nakinabang sa libreng kolehiyo – CHED

280
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Commission on Higher Education (CHED) na mahigit 2.3 milyong estudyante ang kasalukuyang nakikinabang sa libreng kolehiyo ng pamahalaan, habang 713,000 mag-aaral ang nakakatanggap ng mga subsidiya para suportahan ang kanilang pag-aaral.

Sinabi ni CHED chairperson Shirley Agrupis sa mga senador sa pagdinig nitong Miyerkules, Agosto 27, na ang programa na nakaayon sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931), ay nananatiling ‘cornerstone’ ng investment ng pamahalaan sa mataas na edukasyon.

Ipinaliwanag niya na bagamat mayroong 179 local universities and colleges (LUCs) sa buong bansa, tanging 101 institusyon lamang ang kwalipikado para sa libreng tuition coverage.

Binubuo ito ng 2.3 milyong benepisyaryo para sa free higher education.

Tinukoy din ni Agrupis ang lawak ng naaabot ng Tertiary Education Subsidy (TES), isang key component ng RA 10931.

Para sa academic year 2023–2024, nasa 713,000 estudyante ang nakatanggap ng suporta sa pamamagitan ng TES program, na naipamahagi sa tatlong kategorya. Una ay ang Listahanan at 4Ps beneficiaries na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at PNSL o “program of no SUCs/LUCs” na nagbibigay prayoridad sa mga estudyante sa probinsya na walang pampublikong higher education institutions.

Aniya, bagamat prayoridad ang mga SUC at LUC, nakakatanggap din ng subsidy support ang mga pribadong higher education institutions upang masiguro na walang estudyante ang maiiwan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here