Home ENTERTAINMENT Kristoffer, naaksidente, inakalang nakapatay!

Kristoffer, naaksidente, inakalang nakapatay!

216
0

Manila, Philippines- Isang mahalagang leksyon ang natutunan ni Kristoffer Martin mula sa aksidenteng kinasangkutan.

Pag-iingat.

Mabuti na lang at galos sa katawan ang tinamo ng Kapuso actor makaraang salpukin ang kanyang bisikleta ng rumaragasang motor sa daan.

Minalas ang lasing na nakabangga sa kanya.

Tumilapon kasi ito at duguan.

Thank God, the drunk motorist survived the accident.

Ang inaalala kasi ni Kristoffer ay baka may masamang nangyari sa nakabangga sa kanya.

‘Yun daw ang iniisip ng aktor habang nasa presinto kung saan naka-blotter ang insidente.

It was a lesson learned for him na mabagal naman daw ang pagpapatakbo sa bisikleta.

“Lagi n’yong isiping may naghihintay sa inyong pag-uwi sa bahay,” aniya.

Of late, aktibo si Kristoffer sa pagba-vlog kasama ang kanyang asawa’t anak na babae while roaming the streets and trying street food. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here