Home ENTERTAINMENT Diwata, nagpa-Miss Gay, nagbihis-babae rin!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Diwata, nagpa-Miss Gay, nagbihis-babae rin!August 28, 2025 16:143050 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Patuloy pa rin ba ang paresan ni Diwata o nagsara na?If it’s still in business, tila may pa-intermission siya to break the monotony.Viral ngayon ang video ng pag-organisa ni Diwata ng Miss Gay beauty contest.Dahil maulan, ginanap ito sa pinagdugtung-dugtong na tent nang walang entablado.Wala ring sound system.Walang mga upuan para sa audience nor were there seats for the judges.Isang puchu-puchu production ‘yon sa isang gilid ng malawak na lote na wari’y katabi lang ng kanyang paresan sa Pasay City.Bilang organizer, nakabihis-babae rin si Diwata, naka-wig at naka-makep pero nakatsinelas na goma.Siya rin ang nagsilbing floor director ng production.May bilang na anim o pito lang ang mga sumali sa Miss Gay, nag-back out pa ang contrstant no. 1.Rumampa ang mga kandidata sa literal na lupa.Para sa Q & A portion, bawat kandidata ay may kanya-kanyang tagatanong.The event was slightly marred by a gay passerby dressed in woman’s clothes na tila nagwawala o may diperensya sa pag-lisip.Dahil sa nilikhang aberya, nagbanta tuloy si Diwata na ipapupulis ang baklang ‘yon.Tila first time na mag-sponsor si Diwata ng ganoong timpalak, na isang malaking flop na maituturing!Anyare na sa “career” ni Diwata pagkatapos matalo bilang kinatawan ng Vendors party list? Ronnie Carrasco III