Manila, Philippines- Winelkam ng King of Talk na si Boy Abunda ang opisyal na pagbabalik ni Senator Pia Cayetano sa Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA).
Muli ring nakasama ni Pia ang kanyang kapatid na si Senator Alan sa paboritong trio na matagal nang hinahangaan ng mga manonood.
Sa last episode,nagpasalamat si Pia sa paglalakbay na kanyang pinagsaluhan kasama ang kanyang mga co-host at mga manonood: “Mahigit dalawang taon na tayong magkakasama dito sa Cayetano in Action with Boy Abunda. Sa bawat kwento, natututo kaming lahat—kami ni Alan, ni Tito Boy—at sa bawat problema, sinisikap naming tulungan ang mga lumalapit sa ating programa.”
Binalikan din niya ang kanyang karera sa politika at ang mga unang taon niya sa paglilingkod publiko.
“Ako po ‘yung pinakabatang Senador noon. Isa po akong ina, maliliit pa ang mga anak ko no’n, at dala ko ang inspirasyon ng aking ama, the late Senator Rene Cayetano. Isa rin po akong abogado katulad ng aking ama,” ani Pia.
Ngayon, sa kanyang ikaapat na termino, nagpasalamat siya sa publiko sa muling pagtitiwala.
Masaya si Kuya Boy kasama si Sen. Alan sa pagbabalik niya sa CIA with BA na hindi lamang isang comeback—ito rin ay simbolo ng kanyang patuloy na dedikasyon sa paglilingkod, sa Senado man o sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipinong lumalapit para humingi ng tulong at gabay.
“Sa programang ito, tuloy-tuloy ang ating paglilingkod hindi lamang sa loob ng session hall ng Senado kundi sa mga barangay, sa mga tahanan, at sa mga pusong nag-aantay ng tulong,” ani Pia.
Sa pagbabalik ni Ate Pia, muling kumpleto ang paboritong trio na kinikilala ng mga manonood—Alan, Pia, at Boy—na handang magpatuloy sa pagbibigay ng gabay at inspirasyon sa publiko tuwing Linggo ng gabi sa GMA7. JP Ignacio