Home METRO 2 American sex offender, naharang sa NAIA

2 American sex offender, naharang sa NAIA

MANILA, Philippines – NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American sex offender na tinangkang pumasok sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Zachary Tyler Thompson, 39, na inaresto sa NAIA Terminal 1 pagbaba nito sakay ng Philippine Airlines mula Los Angeles.

Si Thompson ay nahatulan noong 2013 at 2015 dahil sa pagtatago ng malalaswang kagamitan at pangmomolestiya sa isang menor de edad.

Bukod kay Thompson, naaresto rin ang isang Paul Neal Coltharp, 46, sa NAIA terminal 1 noong Disyembre 27 pagbaba nito sakay ng Eva Air flight mula Taipei.

Ayon sa US government, si Coltharp ay nahatulan ng California court ng child molestation noong 1998, kung saan ang kanyang biktima ay isang 14-anyos na batang babae.

Ang dalawa ay agad na pinabalik sa kanilang bansa at ang kanilang pangalan ay isinama sa BI blacklist ng mga undesirable aliens.

Paliwanag ng BI chief na ang isang registered sex offenders (RSOs) katulad ng dalawa ay walang puwang sa ating bansa. JAY Reyes

Previous articleNTF-ELCAC sa mga rebelde: Sumuko na, magbagong-buhay ngayong 2024
Next articlePulis nadamay sa rido, patay!