Home NATIONWIDE NTF-ELCAC sa mga rebelde: Sumuko na, magbagong-buhay ngayong 2024

NTF-ELCAC sa mga rebelde: Sumuko na, magbagong-buhay ngayong 2024

MANILA, Philippines – Nanawagan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules, Enero 3 sa mga nalalabing rebelde ng New People’s Army na sumuko na at magbagong buhay ngayong 2024.

“The peace process will not deter the NTF-ELCAC from implementing its mandated tasks to liberate all communities affected by local communist armed conflict,” saad sa pahayag ng NTF-ELCAC sa kanilang Facebook post.

Hinimok din nito ang mga rebelde na agad nang bitawan ang karahasan, isuko ang kanilang mga armas at sarili, kasunod ng pagiging law-abiding citizens na mag-aambag sa nation building ng bansa.

Sinabi ng NTF-ELCAC na palalakasin pa nito ang hakbang upang mailapit ang pamahalaan sa “geographically-isolated and disadvantaged areas” sa pagdadala ng Barangay Development Program, Enhanced Comprehensive Local Integration Program, at sustainable livelihood projects sa mga dating rebelde na sumuko sa mapayapang paraan.

“The NTF-ELCAC will also continue to innovate our approaches to Local Peace Engagement in the pursuit of genuine peace in the localities,” dagdag pa niya.

Noong Disyembre 31, 2023, inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagumpay nitong binuwag ang walong NPA guerrilla fronts, maliban sa paghina ng 14 iba pa noong 2023.

“As of December, there are no more active CTG (communist terrorist group) guerrilla fronts,” ayon kay AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad.

“Among the top leaders neutralized are Dionisio Macabalo, also known as alias Muling/Kardo, who was the Secretary of the North Central Mindanao Regional Committee, and Farahudin Pumbaya Pangalian, also known as alias Abu Zacharia, who was the Amir of (Daulah Islamiyah) DI-Philippines and overall Amir Islamic State-East Asia,” sinabi pa ni Trinidad.

Noong 2023, matagumpay na nahuli ng AFP ang 1,399 miyembro ng communist at local terrorist groups at nasamsam ang 1,751 armas na nahuli, nakumpiska, narekober o mga sumuko.

Sinabi ng militar na ang mga tagumpay na ito ay lubhang nakapagbawas sa kapabilidad ng mga grupong ito na makapaglunsad ng mga pag-atake laban sa mga sundalo at komunidad. RNT/JGC

Previous articleKapabayaan sa Tokyo runway collision inaalam ng pulisya
Next article2 American sex offender, naharang sa NAIA