ILOILO, Philippines – Nalapnos at nasawi ang 2-anyos na paslit matapos na aksidenteng masyut sa kalderong may may kumukulong sabaw ng batchoy sa Barangay Pantalan, Carles, Iloilo.
Sa imbestigasyon ng Carles police, naglalaro ang bata nang inilapag ng kanyang ina ang kaldero sa lupa dahil may lulutuin pang iba.
Hindi na namalayan nang ina na lumapit ang kanyang anak sa kaldero at dito na aksideng nasyut ang paslit.
Itinakbo pa ang biktima sa ospital na nagtamo ngĀ fourth degree burn sa halos buong katawan dahil sa kumukulong sabaw.
Makalipas ang ilang araw, namatay ang bata habang ginagamot. RNT