MANILA, Philippines – Patay ang isang 2-anyos na batang babae matapos siyang masagasaan ng pick-up truck ng kapitbahay sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktimang si Jayza na napag-alamang naglalakad patawid sa bahay ng kanyang lolo’t lola sa harap ng sasakyan.
“Hindi napansin nitong driver na iyong bata ay nandito sa harapan ng sasakyan at noong umalis siya, nasagasaan niya itong bata.,” sabi ni Police major Philipp Ines, Tagapagsalita ng Manila Police District.
Dinala naman ng driver sa ospital si Jayza ngunit kalaunan ay idineklara itong dead on arrival.
Nahaharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Sabi ng ina ni Jayza, nalungkot siya dahil wala na ngayon ang kanyang anak na tinuturing na isang miracle baby ng kanilang pamilya. Lumabas lang daw siya sandali para bumili ng pagkain.
“Hindi naman ganun kadali para bayaran nila buhay ng anak ko, tatapatan nila ako ng pera. Bibigyan ni mama ng hustisya iyong ginawa sa’yo,” anang ina ng biktima.
Nakakulong n ngayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit ang suspek. RNT