Home NATIONWIDE Bouncer nang-agaw ng kustomer, kinatay

Bouncer nang-agaw ng kustomer, kinatay

122
0

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela – Pinaglalamayan na ng kanyang pamilya’t kamag-anak ang bouncer ng isang KTV Bar matapos mauwi sa pananaksak ang kanilang alitan na isa ring bouncer sa kalapit na bar sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Agad na binawian ng buhay ang biktimang si Pedro Ciricos o mas kilala sa tawag na “Tata”, 40-anyos, isang bouncer sa Night shadow KTV bar nang dalhin siya sa Isabela Doctors General Hospital o IDGH.

Habang ang suspek ay si Arthur Romulo, bouncer naman ng Carmelo KTV Bar.

Dakong alas-10:30 ng gabi, bago ang pananaksak ay nagkaalitan ang dalawa dahil sa agawan umano ng customer.

Una rito, isang customer ang nagtungo sa Carmelo KTV bar kung saan nagtatrabaho ang suspek.

Habang naroon ang customer ay pinuntahan umano ito ng biktima at niyaya na lumipat ng bar.

Dahil dito, sumunod ang suspek at kinompronta ang biktima kung bakit nito inagaw ang kanilang customer na nauwi sa pananksak.

Dinala ng mga rumespondeng rescuers ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay habang tumakas naman ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto rin ng mga otoridad.

Pansamantala nasa kustodiya na ng pulisya si Art habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here