MANILA, Philippines – Inulit ng Department of Health (DOH) noong Lunes, ang suporta nito sa mga pagsisikap na pataasin ang kamalayan ng publiko sa breast cancer.
Sa sang pahayag, binigyang-diin ni DOH Secretary Teodoro J. Herbosa, na ang adbokasiya ng ahensya para sa breast cancer awareness ay higit pa sa information campaign, na nakatuon din sa pagpapalawak ng access sa critical screening services.
Sinabi ni Herbosa na ang DOH ay naglunsad ng mga libreng pagsusuri sa kanser sa suso sa pamamagitan ng mga accredited providers.
Binanggit din ng kalihim na ang clinical breast examinations ay ibinibigay sa pamamagitan ng PhilHealth Konsulta Package.
Bukod pa rito, ang Cancer Assistance Fund Access Sites ay nagbibigay ng mammography at breast ultrasound na mga serbisyo upang matiyak ang maagang pagtuklas at napapanahong interbensyon para sa mga Pilipinong nasa panganib.
Bilang bahagi ng pagsuporta ng DOH sa breast cancer awareness initiatives, nakiisa si Herbosa sa Philippine College of Surgeons (PCS) at Inner Wheel Club of the Philippines (IWCP) sa paglulunsad ng nationwide cancer awareness campaign: PCS at IWCP ay Nagkakaisa laban sa Kanser (P.I.N.K) noong Okt. 11.
Ang Oktubre ay kinikilala bilang Breast Cancer Awareness Month. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)