MANILA, Philippines – Nasa 16 petisyon ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) laban sa mga nuisance candidates.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, pawang mga aspirante sa lokal na posisyon sa 2025 midterm elections ang pinetisyon ng ilang mga kalaban ng mga ito sa pulitika.
Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na pag-aaralan pa rin ng komisyon ang bawat petisyon na ipinasa kung saan wala pa naman nagpapasa ng petisyon sa national level.
Giit ni Garcia, maaari naman kasing magdeklara ang Comelec ng isang nuisance candidate sa national level kahit pa walang mag-petisyon dito.
Ngayong araw, inaasahan ng Comelec na maraming magpapasa ng petisyon kontra sa mga aspirante na naghain ng certificate of candidacy lalo na’t ito ang huling araw na itinakda at hindi na papalawigin pa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)