Home METRO 2 arestado sa chop-chop na motor sa QC

2 arestado sa chop-chop na motor sa QC

MANILA, Philippines – Timbog ng mga operatiba ng QCPD Anti-Carnapping Unit ang dalawang suspek dahil sa paglabag sa New Anti-Carnapping Law of 2016 (R.A. 10883), matapos na marekober ang isang ninakaw na motorsiklo sa No. 29 Eden St., Brgy. San Agustin, Quezon City.

Kinilala ni PLTCOL Hector Ortencio, Chief, DACU, ang mga suspek na sina Jayson Fernandez, 36 anyos at Dioniel Roque, 30 anyos, kapwa residente ng Brgy. San Agustin, Quezon City.

Batay sa ulat, iniulat ng 22-anyos na complainant na si Walfred Dela Cruz na ninakaw ang kanyang itim na Honda Click na motorsiklo dakong 1:00 PM. noong Oktubre 2, 2024, sa basketball court sa Brgy San Agustin. Inamin pa ng huli na hindi niya sinasadyang naiwan ang susi sa ignition.

Kasunod ng ulat ng nagrereklamo, ang mga operatiba ng DACU ay naglunsad ng agarang imbestigasyon, gamit ang CCTV footage at pakikipanayam sa mga saksi, na humantong sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Pagkatapos nito, agad na isinagawa ang manhunt operation, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek bandang 4:00 PM. noong Oktubre 4, 2024, at ang pagbawi ng motorsiklo, bagama’t ito ay na-chop-chop na.

Kinasuhan na ang mga suspek. RNT