SAN ISIDRO, Abra – Naliligo na ng sariling dugo ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada ang dalawang lalaking unang napaulat na dalawang araw ng nawawala sa Barangay San Marcial, San Isidro, Abra.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Rajani “Batang Abra” Domine, 31 anyos, at Bong Rhendall Barbosa, 20 anyos, na pawang mga residente ng Bangued.
Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng 20-anyos ng mag-date ang magkasintahan na nakakita sa biktima na kukuha sana ng bulaklak ang lalaking kasintahan ng biglang may pumukaw ng kanyang pansin na isa palang bangkay ng lalaki.
Agad na tumawag ng awtoridad ang magkasintahan para ipagbigay-alam ang natuklasang bangkay.
Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, tumambad sa pulisya ang tatlong basyo ng bala ng baril, 200 metro mula sa bangkay ng 20-anyos hanggang sa matagpuan na rin ang bangkay ng pangalawang lalaki hindi kalayuan sa lugar.
Maaaring binaril ang mga biktima base sa nakuhang basyo ng bala ngunit isasailalim pa ang mga ito sa pagsusuri para malaman ang totoong sanhi ng pagkamatay.
Hanggang sa ngayo nay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang taong nasa likod ng krimen at motibo sa pamamaslang sa biktima. (REY VELASCO)