Home NATIONWIDE MPD, all set na sa holiday season

MPD, all set na sa holiday season

230
0

MANILA, Philippines – Kasado na ang lahat ng preparasyon ng Manila Police District (MPD) para sa paglatag ng seguridad sa mga aktibidad ngayong Kapaskuhan.

Partikular ang pagsasagawa ng simbang gabi sa December 16 kung saan inaasahan ang pagdagsa ng publiko.

Upang napanatili ang kaayusan at kapayapaan, sinabi ni MPD Public Information Office Chief Maj. Philipp Ines na mas lalo pa nilang paiigtingin ang police visibility.

Ayon kay Major Ines, hindi lamang ang mga simbahan ang kanilang tututukan kundi pati ang mga malls, pasyalan, terminal, Christmas bazaar at mga pamilihan tulad ng Divisoria para maiwasan ang anumang mga krimen na madalas na nangyayari kapag holiday season.

Nabatid na noong nakaraang taon, pumalo sa halos dalawang milyung indibidwal ang namili sa Divisoria kaya’t isa ito sa mahigpit na babantayan ng MPD.

Sinabi pa ng opisyal na  magtatagal ng hanggang January 6, 2026 ang inilatag nilang seguridad kung saan magbabago ito bunsod ng pagdiriwang kapistahan ng Poong Itim na Jesus Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here