MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes, Hulyo 23 na dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang naglayag malapit sa El Niño, Palawan.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, ang barko ay kumikilos at hindi nakatigil.
Sinabi ni West Philippine Sea monitor Ray Powell na dalawang CCG ships na may hull number na 3015 at 3301 ang dumaan sa 40 nautical miles mula El Nido.
Samantala, sinabi ni Tarriela na nananatili ang CCG 5901 o ang tinatawag na ‘monster ship’ sa Escoda Shoal.
Idineploy naman ang BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal noong Abril 16 na siyang pinakamahabang deployed PCG asset sa West Philippine Sea kasunod ng hinihinalang reclamation activities sa paligid ng shoal. Jocelyn Tabangcura-Domenden