Home NATIONWIDE 2 barko ng China Coast Guard lumapit pa sa La Union

2 barko ng China Coast Guard lumapit pa sa La Union

MANILA, Philippines – Dalawang barko ng China Coast gaurd (PCG) ang namataan malapit sa Luna, La Union nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na inatasan na ni PCG chief admiral Ronnie Gil Gavan ang deployment ng BRP Cabra at Bagacay upang subaybayan ang barko ng China.

Ang CCG vessel ay may bow number 3301 at 3304 ay nakita noong Linggo sa layong 34 nautical miles o 63 kilometro mula sa baybayin ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay Tarriela, ito na ang pinakamalapit na paglapit ng CCG sa lupain ng Pilipinas.

Nauna nang ipinagtanggol ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun ang presensya ng kanilang mga sasakyang pandagat sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden