MANILA, Philippines – Nakakolekta ang pamahalaan ng P7 milyon halaga ng multa noong Enero ngayong taon sa mga motoristang illegal na dumaraan sa EDSA Busway.
Sa datos ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT), nasa 518 sasakyan ang nahuli at pinagmulta sa paggamit ng EDSA Busway noong 2024 na nagresulta naman sa pagkakakolekta ng P189 milyong halaga ng multa.
Bukod sa convoy ng Pangulo, Vice President, Senate President, House Speaker, at Chief Justice, exempted din sa paggamit ng busway ang on-duty ambulances, fire trucks, and police vehicles.
Ang mga illegal na mahuhuling bumibiyahe gamit ang busway ay pananagutin sa pamamagitan ng pagkumpiska ng driver’s license at multa na P5,000 sa unang biolation. RNT/JGC