MANILA, Philippines – Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Commission on Elections na sikapin ang matiwasay at maayos na midterm elections, kasunod ng delay sa ballot printing.
Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Hontiveros na nabahahala siya sa paulit-ulit na adjustments sa “trusted build” ng Election Management System (EMS) dahil sa pag-aalis ng pangalan ng ilang mga kandidato sa pagka-senador.
“Nakailang final trusted build na po ang COMELEC. Mayroon noong January 13, at noong January 20. Sa puntong ito, Mr. President, kailangan natin itanong: Bakit kailangan ng COMELEC at ng Miru na magsagawa ng paulit-ulit na trusted build bawat beses na may pag-papalit ng kahit isang pangalan lang sa listahan ng kandidato?” ani Hontiveros.
“This is like having to take out, and reassemble an entire car engine every time we have to replace a single bolt. Every time the COMELEC and Miru rebuild the software, there is a chance that malicious code might be introduced into our automated election systems,” dagdag pa niya.
Dagdag pa, hinimok ng senador ang Comelec na ayusin ang “gaps and vulnerabilities” sa automated election system.
“I hope that no further trusted builds are needed if more names of candidates have to be added or removed in the system, from now up to May 12. Everything – from the voting counting machines to the paper we will use for ballots – should meet quality standards and work well on election day,” ani Hontiveros.
Matatandaan na ipinagpaliban ng Comelec ang pag-imprenta ng balota kasunod ng paglalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining orders laban sa diskwalipikasyon ng ilang aspirants.
Ani Garcia, target ng Comelec na matapos ang pag-imprenta ng mga balota sa Abril 14 na sakto lang para sa May 12 midterm elections. RNT/JGC