Home NATIONWIDE 2 barkong pandigma ng Tsina namataan sa Balabac, Palawan

2 barkong pandigma ng Tsina namataan sa Balabac, Palawan

MANILA, Philippines – Dalawang barkong pandigma ng China ang namataan malapit sa Onok Island sa Balabac, Palawan, ilang araw matapos harass ng pwersa ng China ang mga tropang Pilipino sa Ayungin Shoal.

Isang dating barangay chairman sa bayan ang nagsabing pauwi na sila ng kanyang grupo mula sa pagsasagawa ng medical mission sa isang isla nang mamataan ang dalawang barko ng China.

Sinabi ng dating barangay chairman na una nilang inakala na ang mga barko ay mga sasakyang pandagat ng Pilipinas hanggang sa makita nila ang mga watawat ng China.

Sinabi ng isang doktor na bahagi ng medical mission na ang isa sa mga dayuhang barko ay lumipit ng halos isang kilometro sa kanila.

Sa tantiya ng doktor, nasa tubig na ng munisipyo ng Balabac ang mga sasakyang pandagat ng China.

Kinumpirma ng isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines’ Western Command ang presensya ng mga barkong pandigma ng China sa lugar, bagamat wala pang opisyal na pahayag ang militar tungkol dito. RNT