MANILA, Philippines – Mahigit 4,000 student-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga lisensyadong guro na ngayon.
Sa katunayan, anim sa kanila ang nasa Top 10 ng licensure examinations para sa elementary at secondary education teachers ngayong taon, kabilang ang isa sa tatlong topnotcher sa elementary level.
Ang 4Ps program ay nagbibigay ng conditional cash transfers sa pinakamahihirap sa bansa. Hinihikayat nito ang mga miyembro ng mahihirap na pamilya na gamitin ang mga serbisyong pangkalusugan at ang kanilang mga anak ay manatili sa paaralan. Santi Celario