Home METRO 2 bata nalunod sa ilog sa Batangas

2 bata nalunod sa ilog sa Batangas

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang 11-anyos na batang lalaki matapos malunod sa Sabang River sa Batangas City.

Ayon sa mga awtoridad, walang ulan nang mga oras na naligo ang mga bata at posibleng nakarating sa malalim na bahagi ng ilog kaya’t nahirapan ang mga ito na makaahon.

“Sadyang sila pong dalawa ay kampanteng naliligo at medyo may malalim. ‘Yan po ang nakikita natin. Ngayon, sila po ay kita naman po ang katawan ng bata, intact po ang kasuotan at walang ibang nga galos,” ayon kay PLT. Sharen Ama, hepe ng Batangas City Police Station.

Ayon sa ina ng mga bata, karaniwang umaalis ang mga ito kasama ng kanyang mga kaibigan. Ngunit nag-aalala na siya nang hindi pa rin nakakauwi ang mga ito kahit gumabi na.

“Naghahanap daw po [sila] ng mapapaliguan. Ngayon, ayaw po nilang pumayag na ang bata ayaw [o hindi] na isinama nila. Ang sabi ko ay ‘paano ninyo natukoy kung hindi ninyo isinama ang bata?’” ayon sa ina ng biktima.

Hindi naman kumbinsido ang mga magulang ng bata na nalunod ang mga ito.

Hindi naman isinailalim sa autopsy ang katawan ng mga biktima bagama’t nagpapatuloy ang follow-up investigation. RNT/JGC