MANILA, Philippines – Bahagyang bumaba ang heat index sa Metro Manila ngayong araw, Mayo 3.
Ayon sa PAGASA, ang heat index sa Metro Manila ay mula 40 hanggang 40 degrees Celsius o mas mababa sa “danger” category.
Ang pinakamataas na heat index ngayong 2024 sa Metro Manila ay naitala sa NAIA, Pasay City noong Abril 24 sa 46 degrees Celsius.
Ang pinakamataas na naitalang heat index naman ngayong 2024 ay 53 degrees Celsius sa Iba, Zambales noong Abril 28.
Samantala, dalawang lugar ang makararanas ng 47 degree Celsius na heat index ngayong Biyernes. Ito ay ang Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan.
Ang Roxas City, Capiz naman ay makararanas ng 45 degrees Celsius na heat index at pitong lugar sa 44 degrees Celsius. Ito ay ang Laoag City, Iba, Zambales, Cuyo, Palawan, Virac, Catanduanes, CBSUA-Pili, Camarines Sur, Dumangas, Iloilo, at Zamboanga City. RNT/JGC