Home NATIONWIDE 2 bettors mula N. Ecija at Mandaluyong, maghahati sa P45.5-M jackpot

2 bettors mula N. Ecija at Mandaluyong, maghahati sa P45.5-M jackpot

78
0

MANILA, Philippines — Dalawang mananaya mula Nueva Ecija at Mandaluyong City ang maghahati sa mahigit P45 milyong jackpot prize matapos manalo sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes, Abril 27, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nakuha ng mga nanalo ang tamang kumbinasyong 06-04-05-27-34-11 para maiuwi ang P45,568,562.29 jackpot prize.

Samantala, walang nanalo sa P69,508,293.74 jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makatama sa kumbinasyong 43-19-20-12-21-51.

Ang Megalotto 6/45 draws ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang Grand Lotto 6/55 ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here