Home NATIONWIDE 6 lugar sa M’danao, makararanas ng malakas na pag-ulan sa easterlies

6 lugar sa M’danao, makararanas ng malakas na pag-ulan sa easterlies

98
0
NAGLALAKIHANG alon ang humahampas sa Navotas seawall dahil sa lakas ng hangin dala ng bagyong Uwan. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines — Patuloy na nakaaapekto ang easterlies sa bansa at magdadala ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes.

Sa 4 a.m. forecast ng PAGASA, sinabi nitong maaaring makaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Zamboanga del Sur, at Misamis Occidental na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Makakaranas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng easterlies. Nagbabala rin ang PAGASA sa posibleng pagbaha o landslide tuwing malalakas na thunderstorm.

Magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao mula silangan hanggang hilagang-silangan, habang aabot sa 0.6 hanggang 1.8 metro ang taas ng alon sa baybayin.

Sa Northern at Central Luzon, inaasahan din ang mahina hanggang katamtamang hangin mula silangan hanggang timog-silangan, na may taas-alon na 0.6 hanggang 1.5 metro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here