Home OPINION TITO SOTTO AT CJ CORONA IMPEACHMENT

TITO SOTTO AT CJ CORONA IMPEACHMENT

139
0

KUNG si Senate President Tito Sotto ang masusunod, mas gusto niyang gamitin na lang ang Rules of Impeachment na ginamit noon laban kay dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.

Kinasuhan at nilitis si Corona sa umano’y betrayal public trust dahil sa kabiguan nitong magdeklara ng totoong statement of assets, liabilities, and net worth (SALN) at itinago umano nito ang yaman mga dolyar at piso na nagkahalaga ng milyon-milyon piso.

Idineklarang guilty si Corona at hinatulan itong matanggal sa pwesto at hindi na kailanman makababalik pa sa anomang pwesto sa gobyerno.

Tatlo ang nang-abswelto kay Corona: Sina Joker Arroyo, Miriam Defensor-Santiago at Ferdinang Marcos Jr habang 20 ang nagsabing guilty si Corona noong Mayor 29, 2026.

Rason ni Sotto, hindi na kailangang mag-isip ang mga senador dahil komplikado ang paggawa ng mga patakaran sa impeachment.

BINALIGTAD NG SANDIGANBAYAN

Matapos na ideklarang guilty ng Impeachment Court na guilty si Corona, kinasuhan na ito at kanyang pamilya sa Sandiganbayan upang mabawi ng pamahalaan ang kabuuang nasa P130 milyong itinagong yaman ng pamilya.

Ang Ombudsman ang nag-file ng kaso.

Pero binaligtad ang desisyon Impeachment Court ng Sandiganbayan at pinawalang-sala si Corona at pamilya nito noong Nobyembre 2022.

Sinabi ng Sandiganbayan na ang P130 milyon ay naipon ng mga Corona sa kanilang paghahanapbuhay sa loob ng 45 taon.

Sinabi pa ng Sandiganbayan na ang SALN ay para lang sa transparency at dapat “never a weapon for political vendetta”.

Kayo na, mga Bro, ang bahala kung ano ang ibig sabihin ng Sandiganbayan sa “political vendetta” ngunit matatandaang isinagawa ang impeachment noong nag-aaway sina ex-President Noynoy Aquino at ex-President Gloria Macapagal-Arroyo at makaraang may unanimous decision ang Supreme Court sa ilalim ni Corona laban noon sa Hacienda Luisita na pag-aari ng pamilya Aquino.

Naging pinal ang desisyon ng Sandiganbayan noong Enero 30, 2023.

MAY MGA SENADOR NOON AT NGAYON

Sakaling aakyat ang impeachment case laban kay VP Sara sa Senado bilang Impeachment Court, may mga senador-hukom noon na magiging senador-hukom pa rin ngayon.

Hindi na natin sila pangangalanan pero 10 sila noon at tiyak na magiging senador-hukom ulit sila.

Lahat ng 10 bumoto sa conviction ni Corona, kasama si Sotto.

Sa mga nag-acquit kay Corona, tanging si Marcos ang nabubuhay at siya ang Pangulo ngayon.

KASONG VP SARA

Ano naman kaya ang kahihinatnan ng kaso ni VP Sara?

Ang 10 na bumuto noon para ideklarang nagkasala si Corona ng pagtatago ng iligal na yaman, ano kaya ang magiging boto nila?

Hindi kaya nila ikokonsidera ang naging desisyon ng Sandiganbayan na nagpawalang-sala kay Corona at sinabing ligal ang salaping “itinagong yaman” nito at ang kanyang pamilya?

Ang ibang magiging senador-hukom, hindi rin kaya nila ikokonsidera ang desisyon ng Sandiganbayan?

Sino-sino kaya sa mga magiging senador-hukom ang magpapairal ng higit na pulitika kaysa katotohanan at katarungan sa pagdedesisyon?

Subaybayan na lang natin kung ano ang mangyayari lalo’t mabilis na lumalapit ang halalang presidenyal sa 2028…kung matutuloy ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here