MANILA, Philippines – Pansamantalang inalis sa pwesto ang dalawang opisyal ng Bureau of Fire sa Manila sa gitna ng imbestigasyon sa nangyaring insidente na ikinamatay ng 11 katao, sinabi ng Bureau of Fire Protection- National Capital Region (NCR).
Tinanggal sa kanilang posisyon sina Manila District Fire marshal Senior Superintendent Aristotle Banaga at Manila Fire Safety Enforcement Branch chief Fire Chief Inspector Dominic Salvacion upang bigyang daan ang imbestiagsyon.
Sinabi ng BFP-NCR na ang sunog sa 647 Carvajal Street sa Binondo ay umabot sa unang alarma alas 7:28 ng umaga at ikalawang alarma alas 8:14 ng umaga noong Biyernes.
Idineklarang fire control alas 9:31 ng umaga at dineklarang fire our alas 10:03 ng umaga.
Nasa P100,000 halaga ng ari-arian ang napinsala dahil sa sunog ayon sa BFP-NCR.
Lahat ng 11 bangkay ng mga biktima ay tukoy na ngunit hindi na isinapubliko ang kanilang mga pagkakilanlan.
Ang pamilya ng mga biktima ay tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang lungsod ng maynila sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare and Development (MSWD).
Base sa imbestigasyon, ang sanhi ng sunog ay mula sa sumingaw na LPG tank sa karinderya sa ground floor ng gusali. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)