Home OPINION WAGI FINANCIAL LITERACY APP, INILUNSAD NG FEDCENTER

WAGI FINANCIAL LITERACY APP, INILUNSAD NG FEDCENTER

Inilunsad ng FedCenter ang WAGI (Wealth for Growth and Inclusion) app, ang kauna-unahang libre at madaling gamiting Financial Literacy platform nitong Hulyo 31, 2024.

Maituturing itong isang pagkakataon upang mabigyang kaalaman ang Pilipinas ukol sa pananalapi, gamit lamang ang mobile phone upang maabot ang mas maraming tao.

Ang WAGI app ay nagtataglay ng mahahalaga at praktikal na kaalaman sa pananalapi na maaaring magamit ng mga Pilipino sa pang-araw-araw na buhay tulad ng pagba-badyet, pamumuhunan sa stock, at iba pang may kinalaman sa pananalapi.

Pinadali ng WAGI appp ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga nakakaaaliw at maiikling modules. Naglalaman din itong tips sa pananalapi mula sa mga matatagumpay na personalidad at mga kilalang tao. Matututo ka habang ginagamit mo ang WAGI app nang libre.

Ginagawang accessible, masaya, at rewarding ang pag-aaral dahil ang mga user ay maaaring kumuha ng mga pagsusulit o post-learning tests pagkatapos mapag-aralan ang bawat mo­dule. At narito ang nakapapanabik na bahagi, ang mga puntos ay maaaring iko-convert sa reward points na maaaring magamit sa pag-claim ng mga premyo mula sa iba’t ibang ka-partner na establisyemento katulad ng mga pangunahing fast food chains.

Siguradong WAGI ka pa sa karunungan! Hindi ka na kayang bolahin o lokohin ng mga scammer, katulad sa text messages na nagsasabi na ikaw ay nanalo sa isang raffle draw o kaya ang iyong pangalan ay napili sa kanilang monthly jackpot draw.

Ang Fedcenter ay isang kilala at nangungunang social enterprise na nakatuon sa pagpapabuti ng kaalaman sa pananalapi sa pamamagitan ng mga pagsasanay.

Dumalo sa paglulunsad sina SEC Commissioner Atty. Rogelio Quevado, Deputy Privacy Commissioner (NPC) Leandro Angelo Aguirre at Antonio Mauricio, General Manager, National Development Company (NDC).

WAGI is your Financial Literacy app partner for financial freedom!
WAIS SA PERA, WAGI SA LIFE!