Home METRO 2 big-time tulak arestado sa P2.2M shabu sa Batangas

2 big-time tulak arestado sa P2.2M shabu sa Batangas

135
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ng pulisya ang mahigit P2.2 milyong halaga ng shabu at illegal na armas mula sa dalawang hinihinalang big-time tulak sa buy-bust operation nitong Martes, Agosto 20 sa Batangas City.

Iniulat ng Batangas police na naaresto sina “Rommel,” 51, at “Marco,” 29, matapos na makapagbenta ng P200,000 halaga ng shabu sa isang undercover police sa Barangay Dumuclay.

Si Rommel ay isang mangingisda habang si Marco naman ay isang construction worker.

Nakuha mula sa dalawa ang dalawang knot-tied plastic bag na naglalaman ng 330 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,244,000 at isang hindi dokumentadong caliber .45 pistol na kargado ng anim na bala.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang pinagmulan ng droga.

Ang dalawang naarestong suspek na kapwa residente ng Bauan, Batangas ay klasipikado bilang high-value individuals sa illegal drugs trade.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here