Home ENTERTAINMENT JLo, nag-file na ng divorce kay Ben!

JLo, nag-file na ng divorce kay Ben!

Los Angeles, USA – Matapos ang dalawang taon ng pagiging mag-asawa ay maghihiwalay na ang Hollywood power couple na sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

Ayon sa iba’t ibang reports, nag-file na si JLo ng divorce mula kay Ben ng Tuesday, August 20, sa Los Angeles County Superior Court.

Importante ang date na ito sa Beniffer kasi August 20, 2022 ang second wedding nila sa Georgia matapos unang magpakasal sa Las Vegas noong July 2022.

Sey ng People Magazine ay “pro per” o walang lawyer na kasama si JLo nang mag-file at April 26, 2024 ang nilagay niyang separation date.

Ang TMZ na unang nagbalita ng hiwalayan ay nabanggit na walang prenuptial agreement ang dalawa.

Just a month ago ay nilagay sa for sale listing nina JLo at Ben ang kanilang Beverly Hills marital mansion.

March 2024 pa lang ay may chika na ng hiwalayan kasi hindi na sila nakikitang magkasama.

Sey ng isang malapit kay JLo sa People, eh, heartbroken ang singer-actress at sinubukan talaga nito ang lahat para maayos ang relasyon.

Wala namang anak ang dalawa so siguradong hindi magiging problema ang child support sa kanilang divorce suit.

Pina-waive rin ng “Ain’t Your Mama” singer ang

spousal support at sinabihan ang korteng i-deny ang ganoong request.

Unang sumubok pumasok sa relasyon sina Ben and JLo in 2002 nang magkakilala sa set ng “Gigli”, pero nagkalabuan rin sila at nagsplit nang tuluyan in 2004. Trixie Dauz