Manila, Philippines – Taliwas sa mga nag-iisip na unti-unti nang nakaka-recover si Sandro Muhlach sa kanyang karanasan sa dalawang contractual talents ng GMA ay hindi ‘yon ang totoo.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sa pamamagitan nga lang ng virtual participation ay sinipot ni Sandro ang pagdinig sa Senado nitong August 19, Lunes.
‘Yun din ang araw na nagtungo sila ng amang si NiƱo Muhlach sa DOJ para magsampa ng kasong rape through acts of lasciviousness laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.
Inumpisahan muna ni Sandro sa paliwanag at dispensa sa ‘di niya pagsipot sa nakaraang hearing.
Inamin niyang natakot siyang makaharap sina Nones at Cruz.
Bagama’t halos isang buwan na mula nang mangyari ang inirereklamo niyang insidente, apektado pa rin daw si Sandro.
“Diring-diri pa rin po ako sa sarili ko,” aniya.
Kasabay ng takot ay ang pag-iwas daw niyang mag-alala para sa kanya ang kanyang mga mahal sa buhay.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi talaga siya okey o maayos ang kanyang disposisyon.
Sa kaso nga lang daw ng kanyang ina, araw-araw pa rin daw itong umiiyak.
Sinisisi kasi nito ang kanyang sarili na nasa Amerika siya at hindi maprotektahan si Sandro.
Samantala, humarap na rin si Gerald Santos na umaming ni-rape din siya.
Isang dating musical director daw ang gumawa niyon sa kanya noong maging contestant ng isang singing search sa GMA noong siya ay 15 taong gulang. Ronnie Carrasco IIi