Home ENTERTAINMENT Ate Guy, di na talaga makakakanta!

Ate Guy, di na talaga makakakanta!

Manila, Philippines – Gustuhin mang i-revive ni Nora Aunor ang kanyang singing career ay imposible na.

Ito ang ipinagtapat ng National Artist for Film and Broadcast Arts sa vlog interview ni Maricel Soriano.

Hinimay-himay kasi ng Diamond Star ang simulain ng Superstar bago ito kinilala bilang isa sa mga mahusay na aktres ng bansa.

Nagbalik-tanaw si Ate Guy noong sumali’t tanghaling kampeon sa Tawag ng Tanghalan.

Ang simulain niya bilang mang-aawit ang nagbukas ng pintuan para tumawid sa pag-arte.

Pero inamin ni Nora na wala sa kanyang pangarap ang maging artista.

Depensa niya sa pagiging singer, wala raw kasi itong pinipiling edad.

But Nora can only look back on her glorious past na hindi na maaaring bumalik.

Naikuwento niya noong 2010 nang magkaroon ng “botched surgery” na isinagawa sa kanya.

Aniya, “Pag gising ko, wala na akong boses!”

‘Yun pala’y tinamaan sa naturang operasyon ang kanyang vocal chords.

Nora hasn’t sung since then.

Hindi raw maiaalis sa kanya na maging malungkot sa pangyayari.

Biniro nga ni Nora si Maricel na mag-show sila as in kapwa sila kakanta.

Bumuwelta naman si Maricel sa pagsasabing: ”’Yung kanta ang ayaw sa akin!”

It’s sad to know na ang minahal na golden voice ni Nora ay hindi na muling maibabalik. Ronnie Carrasco III