Bulacan – Arestado ang dalawang High Value Individuals (HVI) nang mahulihan ng P340,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod Baliwag nitong Abril 23.
Sa ulat ni PLTCOL Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Madam” at alyas “Ali” na kapwa kabilang sa PNP-PDEA Unified Watchlist.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng istasyon katuwang ang PDEA RO-3 Bulacan Provincial Office bandang 7:40 ng gabi sa Brgy. Poblacion.
Nabatid na naaktuhan ang mga ito na nagbebenta ng hinihinalang shabu sa operatibang nagpanggap na poseur-buyer kaya agad silang inaresto.
Nasamsam sa mga suspek ang apat na sachets ng hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item na may timbang na 50 gramo, na may standard drug price na P340,000.00, buy-bust money.
Bukod dito, nahulihan din caliber .22 revolver at dalawang bala nito ang isa sa mga suspek na kapwa nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III