Home METRO 2 biktima ng human trafficking naharang ng BI

2 biktima ng human trafficking naharang ng BI

MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport ang dalawang pasahero na nabuking na biktima ng human trafficking na patungo sanang Bangkok, Thailand.

Ayon sa BI, nagpakilalang mga turista umano ang mga nasabing pasahero kung saan maglalakbay ang mga sa pamamagitan ng flight ng Cebu Pacific.

“The passengers gave inconsistent statements thus were referred for secondary inspection by our alert immigration officers,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.

Sa isinagawang karagdagamg imbestigasyon ay natuklasan na mayroon silang balidong tourist visa para sa Dubai at pinangakuan sila ng trabaho sa UAE nang walang wastong dokumentasyon sa ilalim ng Department of Migrant Workers (DMW).

“This interception underscores the dangers of leaving the country undocumented and falling victim to human trafficking schemes. These individuals were lured with false promises of employment, only to find themselves at the mercy of traffickers with no legal protections,” pahayag ni Tansingco.

Inamin ng isa sa mga pasahero ang kanyang tunay na layunin na magtrabaho bilang Cashier sa Dubai na may ipinangakong suweldo na 22,000 pesos, at ang kanyang mga gastos sa paglalakbay ay ibabawas sa kanyang buwanang kita habang ang isang pasahero naman ay nakayakdang mamasukan bilang babysitter.

Binigyang-diin ni Tansingco ang kahalagahan ng mga legal na proseso para sa trabaho sa ibang bansa.

“Leaving the country without proper documentation and falling into the hands of traffickers can lead to exploitation, abuse, and a life of uncertainty. We urge all citizens to follow legal processes, ensuring their safety and protection abroad,” giit ni Tansingco.

Ang parehong mga biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon. JAY Reyes