MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang dalawa sa 15 high school students na tinamaan sa pamamaril sa paaralan sa Tacloban City.
Sa ulat, ang isa sa mga biktima ay tinamaan sa ulo habang sa tiyan naman ang isa.
Ang Grade 10 student na si Joan Vinias ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo habang ang Grade 9 student na si Nathan Candelario ay tinamaan sa tiyan.
Humihingi naman ng hustisya ang pamilya ng mga biktima. RNT/JGC