Home HOME BANNER STORY Bagyong Francisco, Habagat patuloy na makakaapekto sa bansa

Bagyong Francisco, Habagat patuloy na makakaapekto sa bansa

5
0

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa bansa ngayong araw ang Severe Tropical Storm Francisco at ang Habagat.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Severe Tropical Storm Francisco sa layong 400 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 100 kilometro kada oras at pagbuso na hanggang 125 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong north northeastward sa bili na 15 kilometro kada oras.

Ngayong Huwebes, Hunyo 25 ay makararanas ng pabugso-bugsong ulan dahil sa Habagat ang Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm naman ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa bagyong Francisco.

Samantala, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, Western Visayas, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, nalalabing bahagi ng Central Luzon at nalalabing bahagi ng MIMAROPA ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat. Habang ang nalalabing bahagi ng Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa kaparehong weather system.

Ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here