Home METRO 2 binata nalunod sa ilog sa Bohol

2 binata nalunod sa ilog sa Bohol

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang binata matapos maligo sa ilog sa Batuan, Bohol nitong Sabado ng hapon, Hunyo 15.

Ayon sa pulisya, ang dalawang biktima ay edad 17 at 15 na kasama ng mga magkakabarkada na naligo sa Makapiko River nang mangyari ang insidente alas-2 ng hapon.

sa ulat, tinangay ng malakas na agos ng ilog ang 15-anyos na binatilyo at naipit sa pagitan ng dalawang bato.

Sinubukan itong sagipin ng 17-anyos na kaibigan ngunit maging siya ay tinangay din ng malakas na agos.

Nagtangka rin na sagipin ng mga kaibigan nito at mga tao sa lugar ang mga biktima ngunit hindi na naisalba pa.

Agad na dumating sa lugar ang emergency responders mula sa Batuan Rural Health Unit at Batuan Police Station nang matanggap ang ulat patungkol sa insidente.

Naiahon sa tubig ang dalawa gamit ang backhoe na agad dinala sa ospital. Sa kabila nito ay idineklarang patay ang dalawang biktima. RNT/JGC